Unang una na, nakatungtong talaga siya sa OPM na binigyang kahulugan ng HB 4218, Sec. 3, (h). Definition of Terms.
Hindi ako nakasubaybay sa mga discussion ng position ng alliance. Pero napansin ko sa position paper ng Indiepinoy, na tanggap mismo ng Indiepinoy ang OPM. At ipinapalagay ko ngayon, ganito rin ang pagtingin sa puntong ito sa level ng alliance.
Kaso, OPM mismo ang basehan ng argumento ng bill ni Baguilat. Gaya ng nabanggit ko na sa isang thread ko, sa pamamagitan ng hindi pagkuwestiyon sa kung ano ang OPM, ibig sabihin ay sang-ayon ang alliance na OPM nga ang saligan ng pro at con sa HB 4218.
Isa sa mga komento ko ay misnomer 'yang OPM para i-lump sum ang mga kategorya ng genre ng musikang Pinoy. Ang OPM ay 1980s lang, samantalang ang Pinoy Rock ay 1974. Magkaiba rin ang katangian ng mga likha ng OPM, na mas eskapismo ang kadalasang tema ng mga kanta. Sa ilang kaso, mapanlait pa sa karaniwang tao o masa, hal. Annie Batungbakal ng Hotdog. Sa pamamagitan ng paggamit ng humor, nakalusot na pagtawanan at laitin ang serbidorang si Annie B.
Sa kabilang banda, realidad ng lipunang Pilipino ang talakay ng mga awiting Pinoy Rock.
Kaya kung sa isang paraan ay magsasaysay tayo kung ano ang sinasabing gustong idebelop ng HB 4218 o OPM Development Act of 2014, 'yong gaya ba ng mga kantang Annie Batungbakal ang gustong paunlarin? o Gaya ng kanta halimbawa ng The Jerks na Kundiman?
Hindi ako naniniwala sa censorship kaya kung may OPM na kantang mapanlait sa kapwa Pilipinong serbidora, magandang tapatan ng gaya ng Kundiman. Wag nang banggitin pa ang mga kantang gaya ng Reklamo Nang Reklamo.
Gayon man, magkaiba ang tradisyon ng mga kantang hinalimbawa sa taas. Kaya naman mas kinakailangang linawin ang OPM na 'yan sa mga posisyon at ihahaing alternatibong panukala.
Pangalawa, dahil napaka-generic ng pakahulugan ng OPM sa pinag-uusapang panukala o bill, lahat ng iba pang detalye nito balewala. Sa katunayan, mas mga organisasyon ng mga elitistang musikero lamang talaga ang mga binabanggit.
No comments:
Post a Comment